
Tinawag na fake news ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda ang kumakalat na impormasyon na nag-resign siya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Aguda na mayroong nagpapakalat ng maling impormasyon upang maghasik ng kalituhan at mawala ang pagtitiwala ng publiko sa mga sangay ng pamahalaan.
Aniya, tuloy-tuloy ang kaniyang pagtatrabaho at mahigpit na ipinatutupad ang mga ipinagkatiwalang programa sa kaniya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Nakalulungkot aniya na biktima ang DICT ng fake news sa kabila ng mga pagsisikap nito na makapagpatupad ng digital transformation para sa kapakanan ng publiko.
Facebook Comments










