
Kinalampag ng Akbayan Party-list at Youth, kasama ang Student Council Alliance of the Philippines ang Kamara de Representante sa Batasan Pambansa ngayong umaga kasabay ng araw na inaasahang pagbobotohan sa plenaryo ang pag-i-impeach kay Vice President Sara Duterte.
Kaniya-kaniyang bitbit ng placards ang mga raliyista habang ipinagsisigawan na i-impeach ang bise presidente dahil sa patong-patong na reklamong kinakaharap nito gaya ng undeclared wealth, kwestyunableng paggamit ng confidential funds at iba pa.
Samantala, sinabi naman ni Akbayan Party-list Representative Congressman Percy Cendaña na sa Senado na magpaliwanag si VP Duterte dahil ilang beses na itong binigyan ng pagkakataon na humarap sa Kamara pero hindi ito dumadalo.
Facebook Comments










