DepEd, balak na rin gumamit ng AI sa pag-aaral ng mga estudyanteng may kapansanan

Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang digital innovation at integration ng Artificial Intelligence (AI) para sa pag-aaral ng mga estudyanteng may kapansanan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sa ganitong paraan, magkaroon ng mabilis na access sa edukasyon ang mga estudyanteng may kapansanan.

Sa naturang inisyatiba, lalawak ang access ng mga ito sa Special Education (SPED) dahil papalitan ang SPED centers ng Inclusive Learning Resource Centers.

Mapauunlad din nito aniya ang Alternative Delivery Modes (ADM) at ang Alternative Learning System (ALS) dahil sa paggamit ng AI sa mabilis at dekalidad na pag-aaral ng mga kabataang may kapansanan.

Facebook Comments