Monday, September 14, 2026

Pagbasura ng Supreme Court sa kasong graft ni dating First Lady Imelda Marcos, walang kinalaman sa pagpili ng susunod na Chief Justice —PBBM

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang desisyon ng Supreme Court na ibasura ang graft conviction ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon sa Pangulo, matagal nang nakabinbin ang mga kaso laban sa kanyang ina na isinampa pa noong 1986.

Dahil dito, masaya ang Pangulo dahil hindi na kailangang alalahanin ng kanyang ina ang mga kasong matagal nang nakabinbin.

Samantala, itinanggi ng Pangulo na may kaugnayan ang desisyon ng Supreme Court sa kanyang pagpili ng susunod na Chief Justice.

Sinabi ni Marcos na hindi kailanman naging bahagi ng kanilang konsiderasyon ang pag-uugnay sa desisyon ng korte sa pagpili ng bagong Chief Justice.

Facebook Comments