
Hands-off ang Malacañang sa usapin ng voting threshold na kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial sa Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang magiging pahayag o panghihimasok ang Palasyo, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa usapin.
Ito ay matapos maglabas ng magkakaibang legal opinion ang ilang dating mahistrado ng Korte Suprema kung kailangan nga ba ang 16 na boto para sa conviction.
Sa gitna rin ito ng hindi paglahok ng ilang senator-judges sa paglilitis dahil sa iba’t ibang dahilan.
Giit ni Castro, Senado ang dapat magpasya sa usapin, basta’t manaig ang hustisya.
Facebook Comments










