Thursday, September 3, 2026

DepEd-NCR, naniniwalang walang nangyayaring ano mang karahasan sa mga paaralan sa Metro Manila kapag regular na isagawa ang school safety drill

Tiwala ang Department of Education (DepEd) na magiging epektibo ang school safety drill kapag isasagawa ito ng regular.

Kasunod na rin ito ng isasagawang Nationwide Simultaneous Safety Drill sa City of Mandaluyong Science High School.

Ayon kay Chief Education Supervisor, Education Support Services Division Concurrent Officer-in-Charge of the Assistant Regional Director Rita Riddle, Career Executive Service Officer CESO V, mahalaga ang mga ganitong drill para alam ng mga guro at mag-aaral ang mga dapat gawin kapag may mga pag-atake sa mga paaralan.

Kung maalala, ilang insidente na ng karahasan ang nangyari sa loob ng paaralan na ikinasawi pa ng ilang estudyante habang ilan naman ang nasugatan.

Sa panig naman ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, kailangan talagang higpitan ang seguridad sa mga paaralan para hindi makapasok ang mga may planong maghasik ng kaguluhan.

Dahil dito, bumili na ng mga kagamitan ang Mandaluyong LGU para sa mga paaralan gaya ng metal detector para hindi maipasok ng mga estudyante ang ano mang bagay na posibleng magdulot ng takot at kapahamakan sa mga mag-aaral.

Facebook Comments