
Nasa kabuuang 83 road section na sa ilang rehiyon sa bansa ang naiulat na cleared na at muling passable kasunod ng epekto ng mga nagdaang bagyo at ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang nasabing tala ay mula sa Region I, II, CAR, III, NCR, CALABARZON, at MIMAROPA.
Samantala nasa 128 road sections at 16 na tulay pa ang naiulat na hindi pa rin nadadaanan sa ngayon.
Kabilang sa mga kalsadang hindi pa rin madaanan ang sa Benguet , Pangasinan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Kaugnay nito, nasa kabuuang 288 na equipment at 875 personnel na ang ipinakalat para sa debris at clearing operations para sa mga nasabing apektadong rehiyon .
Facebook Comments










