
Sa gitna ng masamang lagay ng panahon nagtuloy sa kanilang kikos protesta ang iba’t ibang grupo sa Mendiola, Maynila.
Pinangunahan ito Grupong Kadamay kung saan hindi sila nagpatinag sa ulan para manawagan ng pananagutan sa ghost flood control projects.
Layunin ng kilos-protesta na muling iapela ang agarang pananagutan sa gobyerno kaugnay ng mga naranasang pagbaha dulot ng ilang linggong mga pag-ulan.
Giit nila, dahil sa talamak na korupsyon, ang taumbayan ang lubos na nahihirapan kung saan maging ang ilan kabuhayan ay lubos na naapektuhan.
Panawagan pa nila, panagutin ang mga sangkot sa malawakang kurakot at ikulong ang dapat ikulong na lumulustay sa kaban ng bayan.
Inihayag pa ng grupo, hindi sila titigil hangga’t hindi nila nakikita na napanagot ang lahat ng mga pulitiko at mga pribadong indibidwal na namuno sa korupsyon sa maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).










