Thursday, September 3, 2026

2 Pinoy seafarer, nasawi sa pag-atake sa Strait of Hormuz; DMW, binigyang-diin ang karapatang tumangging maglayag sa high-risk areas

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Pilipinong seafarer ang nasawi matapos inatake ng hindi pa tukoy na projectile ang kanilang lulan na crude oil tanker na M/V Sidr habang tumatawid sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac, dalawa sa labing-anim na Pinoy crew members ng naturang barko ang pumanaw sa naganap na insidente noong August 31.

Dahil sa nangyari, naglabas ng advisory ang DMW upang paalalahanan ang mga shipowner at manning agency na igalang ang karapatan ng mga marinong Pilipino na tumangging maglayag sa mga peligrosong karagatan.

Paliwanag ni Secretary Cacdac, ipinagbabawal ang deployment kapag ginamit ng isang seafarer ang kanyang right to refuse to sail, at dapat na unahin ng mga kumpanya ang kaligtasan ng mga manggagawa kaysa sa biyahe.

Tiniyak din ng ahensya na iimbestigahan kung nasunod ang mga kaukulang safety assessment at kung binigyan ng sapat na kaalaman ang mga tripulante bago ang pag-atake sa M/V Sidr.

Facebook Comments