
Negatibo ang isang bomb threat sa National University sa Coral Way MOA Complex sa Pasay City kaninang umaga.
Ayon sa Pasay PNP, matapos nilang matanggap ang report ay agad silang nagsagawa paneling at inspeksyon ng EOD/K9 Team sa loob at paligid ng campus.
Lumabas naman sa pagsusuri na negatibo sa ano mang hazardous, explosive o hinihinalang pampasabog ang lugar.
Sa ngayon, nakaabang pa rin ang BFP para tumulong sa ano mang kinakailangang emergency response.
Patiloy din ang koordinasyon sa pagitan ng mga otoridad at administrasyon ng paaralan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Pasay City Police sa pakikipag-ugnayan sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) para matukoy ang pinagmulan ng bomb threat at ang taong responsable rito.
Ligtas naman ang lugar matapos ang inspeksyon at wala nang naitalang ano mang karagdagang insidente.
Una rito sinuspinde ang face-to-face classes sa NU pero balik-onsite ang mga estudyante mamayang ala-1:00 ng hapon para sa klase’t pagsusulit.










