Friday, May 22, 2026

DepEd , tiniyak ang paglahok sa nalalapit na ASEAN Work Plan on Education 2026–2030

Tiniyak ng Education Department ang paglahok nito sa nalalapit na ASEAN Work Plan on Education 2026–2030.

Ang naturang programa ay pinagsamang mekanismo sa rehiyon ng Asya bilang pinag-isang solusyon para sa learning recovery sa mga kasaping bansa.

Ayon sa DepEd, susuportahan ito ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapanukala na palawakin sa buong rehiyon ang mga epektibong estratehiya sa edukasyon.

Layon din anila nito na makatulong sa pagpapaunlad ng edukasyon sa buong mundo.

Taong 2002 nang itatag ang Education World Forum na pinakamalaking pagtitipon sa mundo ng mga ministro ng edukasyon

Ito ay bilang pagtugon sa mga hamon sa sistema, pagbahagi ng mga kaalaman, at pagtalakay sa mga kritikal na isyu sa edukasyon.

Facebook Comments