Plano para makabangon mula sa pandemya, dapat nang simulan ng mga LGUs ayon sa DILG

114

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) na simulan na ang pagpapaplano at paglalaan ng pondo para sa local recovery at rehabilitasyon.

Bagama’t hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic dapat nang paghandaan ito upang makabangon na ang ekonomiya mula sa nakamamatay na sakit.


Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nakabuo na ng “Ready to Recover (We Rise as One) COVID-19 Local Recovery Planning Guide” ang DILG sa tulong ng World Bank.

Malaki ang maitutulong nito sa mga LGU para makabawi at makapaghanda sa pagtatapos ng kasalukuyang krisis pangkalusugan.

Sabi pa ni Malaya, marami sa parte ng bansa ngayon ay low-risk, kaya malaking bahagi nito ang maaari nang magsimula ng kanilang pagbangon sa local level.

Facebook Comments