Thursday, September 3, 2026

Giit ng kampo ni Sen. Marcoleta na COMELEC dapat ang may hawak sa kaniyang Plunder case at paglabag sa PD 46, binweltahan ng prosekusyon

Iginiit ng kampo ni Sen. Rodante Marcoleta ngayong Huwebes, Sept. 3 na Commission on Elections o COMELEC dapat ang may hurisdiksyon kaugnay ng Plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 na kinakaharap ng senador at iba pang akusado sa Sandiganbayan.

Ito ay dahil ang hindi idineklarang P75 million campaign donations naman umano ang pinagmulan ng mga kaso.

Gayunpaman, agad itong binwelatahan ng prosekusyon dahil na-repeal na umano ang Section 109 ng Omnibus Election Code ng COMELEC, na nagre-require sa kandidato na magsumite ng itemized statement ng lahat ng campaign contributions and expenditures, at si Senator Marcoleta pa rin umano ang nagsabi sa isang programa sa telebisyon na tumanggap siya ng donasyon bago pa ang campaign period, noong siya ay kongresista pa.

Dagdag pa rito, sinabi ni Atty. Victoria Besiño, Atty. 3 ng Political Finance and Affairs Department o PFAD ng COMELEC, na ibinasura ng komisyon ang kaso dahil hindi na ito itinuturing na election offense, na nagresulta ng pagrerekomenda nito sa law department para imbestigahan ang nature ng naturang donasyon mula sa tatlong kapuwa-akusado.

Facebook Comments