
Sa gitna ng patuloy na pagtugon ng San Lazaro Hospital (SLH) sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis, bumuhos ang tulong para matugunan ang mga kinakailangan ng bawat pasyente.
Bukod sa mga non-government organization (NGO) at partner organizations, nagpaabot rin ng kanilang tulong at suporta sa SLH ang mga ospital ng Department of Health (DOH).
Nabatid na nagpadala ng karagdagang doctors, nurses, nursing attendants, at administrative staff ang DOH.
Bukod pa sa tent, kama, at karagdagang capsules ng doxycycline kung kaya’t napalakas ang kapasidad ng SLH na magbigay ng kinakailangang serbisyo at pangangalaga sa mga pasyente.
Ilan sa mga medical personnel na idineploy ay mula sa Valenzuela Medical Center (VMC); Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center; Dr. Jose Fabella Memorial Hospital; Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala); Philippine Red Cross (PRC); at Philippine Blood Center.
Kaugnay nito, sinisiguro ng pamunuan ng San Lazaro Hospital na matutukan nila ang bawat pasyente na tinamaan ng leptospirosis kung saan hangad nila ang agaran paggaling ng mga ito.










