
Pinabubuwag ni Senator Ping Lacson sa gobyerno ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na maituturing na non-performing o bigong gampanan ang mandato pero laging nabibigyan ng pondo.
Sa pagtalakay ng 2027 National Budget, iginiit ni Lacson na limitado lang ang pondo ng gobyerno pero taon-taon ay nabibigyan ng pondo gayong hindi na kumikita at wala nang pakinabang.
Mungkahi pa ni Lacson na kung hindi man mabuwag ay huwag na lang pondohan sa susunod na taon.
Posible aniyang hindi binubuwag ang GOCC dahil sa humanitarian consideration bunsod ng mga empleyadong maaaring mawalan ng trabaho.
Gayunman, kailangan nang ikunsidera ang mahigpit na fiscal space ng gobyerno.
Tugon ni Finance Secretary Frederick Go, may 21 GOCCs na ang magsasara na o kaya ipa-a-absorb na sa ibang ahensya pero mabagal, matagal at masalimuot pa ang magiging proseso nito.










