DFA, tiniyak na nasa ligtas at maayos na kondisyon ang mga Pinoy sa Russia kasunod ng tensyon binuo ng armadong grupo

Nasa ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga Pilipino sa Russia.

Ito ang pagtitiyak ng Department of Foreign Affairs kasunod ng tensyong idinulot ng armadong grupo ng Wagner sa Russia.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nasa maayos ang kondisyon ng labing-isang Pinoy na nasa lungsod ng Rostov na siyang pinasukan ng Wagner group.


Dagdag pa ni de Vega, natapois na umano ang mini-rebellion kaya medyo bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa Russia.

Sa datos ng DFA, nasa 10,000 Pilipino ang nasa Russia kung saan 9,000 dito ang nasa Moscow.

Facebook Comments