
Nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) sa 178 na accredited motorcycle at car dealers sa buong bansa, simula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Ito ay dahil umano sa paglabag sa batas at regulasyon kaugnay ng proseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan, partikular ang hindi pagsunod sa scheduled processing period sa pagpoproseso ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (COR), at plaka.
Nag-ugat umano ang nasabing aksyon dahil na rin sa natanggap na reklamo ng ahensya mula mismo sa mga nakabili o may-ari ng sasakyan, na hindi natanggap ang nasabing mga dokumento dahilan para hindi nila magamit ang kanilang mga bagong biling sasakyan.
Kabilang sa mga dealer na may pinakamaraming reklamo ay Rizal Autozone, Inc., Motoxpress Sales Corp., Motortrade, Shaw Automotive Resources, Inc., Gateway Motors Inc. sa Cebu, at iba pa.










