Sunday, July 12, 2026

Kauna-unahang bantayog ng West Philippine Sea Fisherfolk Monument, binuksan na sa publiko sa Quezon Memorial Circle

Pormal nang tinanggal ang tabing ng kauna-unahang bantayog ng West Philippine Sea Fisherfolk Monument sa Quezon Memorial Circle (QMC) ngayong araw, July 12.

Ito ay bilang paggunita sa ika-10 anibersayo ng pagkapanalo ng bansa sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa isyu ng West Philippine Sea.

Pinangunahan ng grupong Atin Ito Coalition at ng Quezon City government ang pagtatanggal ng tabing sa “The West Philippine Sea Fisherfolk Monument” o “Bantayog ng mga Mamalakaya sa West Philippine Sea “.

Kaya ang obra ay isang magiting na mangingisda na itinataas ang kaniyang sagwan habang sakay ng bangka na sumisimbolo sa resiliece, dignity, pagiging makabayan, at walang pag-aalinlangan ng mga ordinaryong mamamayan na nangunguna sa pagbandila at pagtatanggol ng soberanya ng bansa at integridad ng ating teritoryo.

Kabilang sa mga personalidad na dumalo ay sina retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, Atin Ito convenors Rafaela David at Edicio Dela Torre, dating Philippine Ambassador Victoria Bataclan, dating Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, mga partner organizations, civil society leaders at advocates ng West Philippine Sea.

Facebook Comments