Saturday, July 11, 2026

30 medicine student, ginawaran ng Certificate of Scholarship para makapag-aral ng pagka-doktor ng Taguig City

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig na tutulungan ang 30 scholars para makapagtapos sa kursong medicine.

Kasabay ito ng paggawad ng Certificate of Scholarship para sa mga estudyante sa ilalim ng Investing in the Value of Education Through Stewardship for Taguigenños (INVEST).

Layon ng naturang programa na matulungan ang mga may potential na estudyante pero hikahos sa buhay.

Maliban sa scholarship may cash allowance din ang mga estudyante na kasali sa programa.

Sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano, napili nilang igawad ang scholarship sa mga medicine student dahil sa kakulangan ng doktor sa bansa.

Mula nang nagsimula ang programa noong 2011 ay nasa 415,575 ang naaprubahang aplikasyong hanggang noong December 2025.

Umaasa ang lungsod ng Taguig na ipupursige ng mga scholars ang pag-aaral para makapagtapos at makatulong sa bansa sa mga susunod na taon.

Facebook Comments