DFA, tiniyak na walang Pinoy na nadamay sa football stampede sa Indonesia

62

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring riot at stampede sa Indonesian football stadium.

Sa kabila nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa mga awtoridad sa East Java Province.

Sa naturang trahedya, mahigit isang daan ang nasawi kabilang na ang ilang mga bata.


Mahigit isang daan din ang nasugatan sa nangyaring riot at stampede nitong Sabado ng gabi.

Nabatid na nag-unahan na makalabas ng stadium ang mga tao matapos na magpaulan ng tear gas ang mga pulis.

Facebook Comments