WATER BREAKS ATPAGMONITOR SA MGA SILID-ARALAN, KABILANG SA HAKBANG KONTRA MATINDING INIT SAPANGASINAN

Kabilang sa mga hakbang na ipatutupad ng Department of Education o DepEd laban sa matinding init ng panahon ang water breaks para sa mga mag-aaral.

Bahagi ito ng mga paghahandang iniulat ni Ret. Col. Rhodyn Luchinvar O. Oro, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head, sa 55th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan.

Nakatakdang magmonitor sa kondisyon ng mga silid-aralan at suplay ng tubig ang tanggapan, gayundin ang pagsisiguro ng suplay at sanitasyon ng tubig sa mga paaralan.

Ayon kay Oro, maaari gumamit ng iba’t ibang estratehiya, kabilang ang “Hayo” o “Hinto,” alinsunod sa mga protocol ng DepEd sa pagtugon sa sitwasyon.

Samantala, pinag-aaralan pa ang contingency plans sa posibleng pagkaantala ng mga klase sakaling tumindi ang init ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments