Wednesday, October 21, 2026

Revilla, hiniling na maibasura ang kasong malversation

Humirit si dating Senador Bong Revilla Jr., na maibasura ang kasong malversation laban sa kanya kaugnay ng umano’y ₱92.8 million na ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Humingi ng pahintulot si Revilla sa Sandiganbayan Third Division na maghain ng demurrer to evidence.

Isa itong legal na hakbang para hilinging ibasura ang kaso dahil umano sa kakulangan ng ebidensiyang iniharap ng prosekusyon upang mapatunayang nagkasala ang akusado.

Kinumpirma rin ng clerk of court ng Sandiganbayan na naghain ng kaparehong mosyon ang kapwa akusado ni Revilla na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Engineer Jaypee Mendoza.

Sa ngayon, wala pang desisyon ang korte sa hiling ni Revilla at nananatiling nakabinbin ang kaniyang kaso.

Facebook Comments