
Binabantaan ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga social media post na umano’y nagpapakalat ng disinformation hinggil sa shooting incident sa Senate compound.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, hindi nila kukunsintihin ang sinumang mag-po-post online ng mga inpormasyon na maaring makapaggpaalab sa damdamin ng publiko.
Ani Aguda, kakasuhan nila ang sinumang manghihikayat sa publiko na maging marahas sa gitna ng tensyon.
Pinayuhan ni Aguda ang publiko na maging responsable sa pag-share ng impomasyon online hub kaugnay ng nangyaring insidente.
Aniya, mag share lang ng mga impormasyon mula sa mga lehitimo at official sources .
Facebook Comments










