
Naglabas ng pahayag ang ilang law deans at propesor ng iba’t ibang unibersidad sa bansa kaugnay sa impeachment case na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa former law dean na si Fr. Ranhilio Aquino, kinokondena nila ang tangka ng ilang miyembro ng Senado na harangin ang impeachment trial laban sa pangalawang pangulo.
Ipinunto rito ang biglaang kudeta sa Senado kasabay ng botohan sa Mababang Kapulungan sa impeachment.
Nagpaalala rin sila sa mga senador na bilang Court of Impeachment ay hindi dapat upuan ang complaint na pinaboran ng mayorya ng mga kongresista sa House of Representatives.
Hinikayat din nila ang mga law enforcer na makipagtulungan sa international legal process at mapanagot si Senator Bato dela Rosa sa International Criminal Court (ICC).
Nanawagan din sila sa lahat ng mga opisyal na gampanan ang sinumpaang tungkulin alinsunod sa Saligang Batas.










