
Mariing ipinanawagan ng Tindig Pilipinas kasama ang AKBAYAN Party, Mamamayang Liberal, at iba pa na huwag nang patagalin ng Senado at agad nang litisin si Vice President Sara Duterte at arestuhin na si Senator Bato dela Rosa.
Ito ay matapos magtagumpay ang kudeta sa Senado kahapon, May 12 kung saan pinalitan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Tito Soto III bilang Senate President bago pa man makarating sa Senado ang article of impeachment laban sa bise presidente.
Kaugnay nito, sinabi ni Akbayan Party Rafaela David na malinaw ang intensyon sa biglaang paglitaw ni Senator Bato dela Rosa kahapon, May 12 sa senado.
Kaugnay niyan, kasama rin sa panawagan ng mga grupo na arestuhin na at dalhin sa The Hague si Senator Bato dela Rosa lalo’t may warrant of arrest naman na umanong inisyu ang International Criminal Court (ICC) laban sa nasabing senador at sangkot naman na talaga umano si Dela Rosa sa patayan bago pa maging presidente si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t hindi na umano ito isolated case.
Samantala, hamon naman umano ng taumbayan ang patunayan ng bagong liderato ng Senado ang kanilang trabaho na panagutin ang sinumang nagkasala sa batas.
Samantala, ikakasa naman ng nasabing mga grupo ang malawakang kilos-protesta alas-2pm bukas, May 13 sa gate ng Senado.










