Tuesday, September 8, 2026

Pamahalaan, may sapat na kakayahang bayaran ang utang ng bansa, ayon sa Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na kaya ng pamahalaan na bayaran ang mga utang ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, karamihan sa mga utang ng gobyerno ay may mahabang panahon para bayaran.

Dahil dito, hindi kailangang bayaran agad nang buo ang malaking bahagi ng utang at unti-unti itong binabayaran kasama ang interes.

Sinabi ni Castro na sapat ang kasalukuyang kita ng gobyerno para matugunan ang mga bayarin sa utang sa tamang panahon.

Patuloy rin aniya ang mga reporma ng administrasyong Marcos para mapalakas ang kita ng gobyerno at matiyak na kakayanin nitong bayaran ang mga utang sa mga susunod na taon.

Kabilang dito ang panukalang ProGRESS Bill, na layong magbigay ng tax relief habang pinapalakas ang kita ng gobyerno para pondohan ang mga serbisyo at programa nito.

Facebook Comments