Wednesday, October 7, 2026

DICT Sec. Henry Aguda, mananatili sa puwesto – Malacañang

Itinanggi ng Malacañang ang ulat na nagbitiw na sa puwesto si Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kinumpirma mismo ni Aguda na magpapatuloy siya sa trabaho.

Nagpadala rin ito ng larawan kay PCO Secretary Dave Gomez bilang patunay na tuloy ang kanyang tungkulin.

Kabilang sa tinututukan ni Aguda ang paghahanda ng Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN Summit sa Nobyembre at ang pagpapalakas ng kooperasyon sa teknolohiya at inobasyon sa rehiyon, kabilang ang ASEAN AI MSME event ngayong linggo.

Samantala, wala pang beripikadong impormasyon ang Palasyo sa ulat na posibleng bumalik si Public Works Secretary Vince Dizon sa Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments