Nagpamahagi ng malinis na inuming tubig sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang pagbaha sa lungsod ang Pamana Water Corporation, katuwang ang Dagupan City Water District (DCWD) at lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Ayon sa mga organizer, habang may mga tubig-baha sa ilang barangay ng lungsod, pahirapan ang pag akses ng potable water ng mga residenteng apektado ng baha.
Naging tugon ang pagkilos sa pangangailangan ng mga komunidad na nakaranas ng pagbaha, kung saan maaaring maapektuhan ang access sa pangunahing serbisyo at suplay, kabilang ang malinis na tubig.
Kabilang sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha sa kasalukuyan ang Barangay Mayombo.
Ayon sa DPWH, umaabot sa tuhod ang tubig sa ilang pagkakataon at mas tumataas kapag malakas ang pag-ulan o bagyo.
Sa kasalukuyang pagtutulungan, nakatuon ang Pamana Water, DCWD at LGU sa pagbibigay ng inuming tubig sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











