WFH SA GOV’T OFFICES; ALTERNATIVE LEARNING MODE SA MGA PAARALAN SA PANGASINAN, LA UNION AT ILOCOS SUR IPATUTUPAD NGAYONG AGOSTO 10

Ipapatupad ngayong Lunes, Agosto 10, 2026, ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa Pangasinan, La Union at Ilocos Sur, kasabay ng patuloy na masamang kondisyon ng panahon.
Batay sa Memorandum Circular No. 123, kabilang ang tatlong lalawigan sa Region 1 sa mga lugar na saklaw ng alternative work arrangement para sa mga kawani ng pamahalaan.
Sa parehong araw, ipatutupad din ang alternative learning modes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang Local Chief Executive.
Gayunman, tuloy ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Samantala, nasa pagpapasya naman ng pamunuan ng mga pribadong kumpanya at tanggapan kung magsususpinde ng trabaho o magpapatupad ng alternative work arrangements.
Bukod sa Pangasinan, La Union at Ilocos Sur, kabilang din sa saklaw ang NCR, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Benguet, Abra, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro at Bulacan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments