DILG, inatasan ang mga LGU na paigtingin ang national ID campaign

121

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) na paigtingin ang national ID campaign.

Hinikayat ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga gobernador at alkalde na ibigay ang full support kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa layunin nitong pabilisin ang paghahatid ng halos 50 milyong ID sa pagtatapos ng 2022.

Gayundin sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang makumbinsi ang mga residente na lumabas at residente na magparehistro para sa national ID.


Batay umano sa datos ng PSA, 75.3% o 69.254 milyon lamang sa 92 milyong target na nagparehistro ang nag-sign up para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Pinayuhan ng DILG chief ang mga barangay captain na magpakalat ng mga printed at electronic material, magsagawa ng roving announcement at magbigay ng updates mula sa official PhilSys social media pages.

Facebook Comments