Regalo para sa mga Senior Citizen, Ipinamahagi ng LGU Ilagan

27
Muling isinagawa ang Quarterly Gift-giving ng Lokal na Pamahalaan lungsod ng Ilagan para sa mga Senior Citizen sa 91 na barangay.

Ipinamahagi ang food packs sa mga Ilagueñong Senior Citizen na may kaarawan ng buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo o Second Quarter ng taong kasalukuyan.

Magugunita na bawat quarter ng taon ay namamahagi ang LGU Ilagan ng food packs bilang regalo sa mga Senior Citizen sa kanilang kaarawan.

Layunin ng nabanggit na aktibidad na bigyang pagpapahalaga at kasiyahan ang mga nakatatanda bilang pagpapakita ng paggalang at pagkilala sa kanilang bahagi sa komunidad.

Samantala, hinikayat din ng LGU Ilagan ang mga Senior Citizens na magpaturok na ng second booster kontra COVID-19 para sa ibayong proteksyon laban sa sakit.

Facebook Comments