DOH, hindi na nakapagtala ng bagong kaso ng monkeypox virus sa nakalipas na mahigit isang buwan

97

Mula noong August 22 ay hindi na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong kaso ng monkeypox virus sa bansa.

Kinumpirma naman ng DOH na tuluyan nang nakalabas ng ospital ang ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Natapos na rin anila ang quarantine ng 18 sa 20 na close contacts nito.


Habang ang isa ay patuloy pang naka-quarantine at ang isa pang close contact ay nagse-self monitor na lang.

Nilinaw naman ng DOH na pawang asymptomatic ang 20 close contacts ng ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Facebook Comments