Saturday, June 6, 2026

House Prosecution Team, tuloy ang paghahanda sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte sa kabila ng “Senate Serye”

Naniniwala si Congressman Terry Ridon, miyembro ng House Prosecution Team, matutuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte oras na makapag-convene na ang Senate Impeachment Court.

Ayon kay Ridon ngayong Sabado, June 6, tuloy-tuloy pa rin umano ang paghahanda ng House Prosecuton Team para sa inaasahang paglilitis, gaya ng pagsasapinal ng mga dokumento, ebidensya, at listahan ng mga testigo, sa kabila ng kaguluhan sa senado.

Dagdag pa dito, iisa lang umano ang senado na may kapangyarihang tumayo bilang impeachment court kaya’t hindi umano magkakaroon ng kalituhan sa impeachment trial.

Samantala, kumpiyansa naman ang House Prosecution Team sa kaso at naniniwalang makukumbinsi nila ang mga senador sa oras na mailatag na nila ang mga ebidensya sa paglilitis.

Facebook Comments