
Nagpahayag ng kalungkutan at pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga biktima ng malagim na insidente sa Lapu-Lapu day block party sa Vancouver, Canada.
Nakahandang magbigay ng kinakailangang tulong ang DMW sa mga biktima ng insidente, habang nananatiling nakatuon sa pagtiyak ng kaligtasan at welfare ng mga OFW sa Canada.
Patuloy na nakikipag-coordinate ang DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Vancouver, gayundin sa mga awtoridad ng Canada.
Hinihikayat ng DMW ang mga naapektuhan ng nasabing insidente sa Canada na makipag-ugnayan agad sa mga tanggapan ng DMW para sa agarang assitance.
Humihingi ang DMW ng mga panalangin para sa pagkakaisa at hustisya sa mga naapektuhan ng nangyaring trahedya sa Canada.