Tuesday, July 21, 2026

Grupong MANIBELA, tiniyak na sasali sa mga kilos-protesta sa Lunes kasabay ng SONA ni PBBM

Siniguro ng transport group na MANIBELA na sasali ang mga ito sa mga aktibidad ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, asahan na magsasagawa ng kilos-protesta ang daan-daan nilang mga miyembro.

Aniya, kakalampagin ng kanilang grupo ang pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Malaki umano na palaisipan ang mataas na umento sa kada litro ng petrolyo ngayong araw na mahigit P10 kahit ipatupad ito ng pautay-utay.

Nangangamba ang grupo ni Valbuena na baka sa susunod na linggo ay magkakaroon ulit ng malakihang oil price hike at muling papalo sa P100 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Una nang nagpahayag si Valbuena na muli silang magsasagawa ng transport strike kasabay ng big time oil price hike ngayong araw.

Facebook Comments