
Nagdiwang ng 32nd wedding anniversary sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Rome, Italy bago bumalik sa Pilipinas ngayong araw.
Matatandaang ikinasal ang First Couple sa Italy noong April 17, 1993.
Sa social media, ibinahagi ng First Lady ang larawan ng kanilang post-anniversary candle light dinner kung saan sinorpresa rin sila ng mga staff ng restaurant.
Samantala, ipinagmalaki rin ng Unang Ginang ang bag na gawang-Marikina na bitbit niya habang nasa Roma.
Nasa Roma ang First Couple matapos dumalo sa libing ni Pope Francis at inaasahang darating na sa Pilipinas ngayong umaga.
Facebook Comments