DOE, nagtatag ng inter-agency group para sa Marawi Energy Rehabilitation

Marawi City, Philippines – Bumuo ang Department of Energy ng Inter-Agency Group para sa rehabilitasyon ng energy facilities sa Marawi City.

Kasunod ito ng pinsalang idinulot ng bakbakan sa naturang lugar.

Ang naturang Inter-Agency Group ay binubuo ng Department of Energy, National Power Corporation, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, National Electrification Administration at Lanao del Sur Electric Cooperative.


Sa ngayon, labing-limang munisipalidad pa sa Lanao del Sur ang walang supply ng kuryente at 20 percent pa lamang ng Marawi City ang may elektrisidad.
DZXL558

Facebook Comments