
Tiniyak ng Department of Enery (DOE) ang patuloy na pakikipag-ugnayan nila sa oil companies para mapalawak ang fuel discount programs sa mga tsuper.
Sakop nito ang PUV at TNVS drivers, delivery riders at iba pang mga motorista.
Tiniyak din ng DOE ang tuloy-tuloy na koordinasyon ng gobyerno sa pribadong sektor.
Ito ay para makatulong sa pagbawas ng gastusin sa petrolyo ng mga tsuper para masuportahan ang kanilang araw-araw na biyahe.
Sa harap ito ng pabagu-bagong presyo ng langis sa world market.
Facebook Comments










