
Nagbabala si Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo na iimbestigahan ang mga power generation companies na magpapataw ng hindi makatarungang taas-singil sa kuryente ngayong may Super El Niño.
Ayon kay Tulfo, inaasahan naman na apektado ang presyo ng suplay ng kuryente dahil sa epekto ng pagtaas ng demand dahil sa El Niño pero kailangang maging makatarungan ang pagtaas sa presyo ng singil.
Hindi aniya dapat basta-basta dagdagan ang mabigat na pasaning pinansyal ng bawat pamilyang Pilipino.
Idiniin ni Sen. Erwin na hindi siya magdadalawang-isip na imbestigahan ang mga power distribution companies o distribution utilities na mangaabuso sa climate crisis para magpalaki ng kanilang kita.
Nanawagan ang senador sa Department of Energy at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na protektahan ang mga konsyumer hindi lamang laban sa mapagsamantalang pagpepresyo kundi maging sa nagbabadyang pagtaas ng singil sa kuryente at mga pagbaba ng supply.










