Friday, June 26, 2026

Dating Rep. Mike Defensor, hinamon ni NBI Dir. Matibag na magsampa ng kaso laban sa misis niyang kongresista na inakusahang sangkot sa isyu ng flood control

Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag si dating Congressman Mike Defensor na kasuhan ang misis niyang si Cong. Ann Matibag dahil sa umano’y isyu ng flood control.

Una rito, nagsalita si Defensor kaugnay ng pananahimik umano ng NBI chief sa isyung sangkot din ang asawa nitong kongresista sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Matibag, kung sa tingin ni Defensor ay ginigipit sila ng NBI, kasuhan nalang nila ang misis niya basta maglatag sila ng ebidensiya na may katiwalian rin ito sa isyu ng flood control scam.

Naniniwala rin siya na hindi politika kung hindi malinaw ang kanilang inilatag na ebidensya para sa kaso ni Defensor.

Binanatan din niya ang pagtawag sa kanya ni Defensor na ‘tanga’ at ‘bobo.’

Aniya ‘unfair’ na tawaging katangahan at kabobohan ang pag-iimbestiga ng NBI sa umano’y human trafficking activities na kinasasangkutan ng pamilya Defensor.

Ngayong araw, nakatakdang kasuhan ng NBI ng qualified human trafficking ang mag-asawang Mike at Julie Defensor kaugnay ng ni-raid na KTV bar sa Pasig City noong April 21.

Facebook Comments