
Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng dalawang magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa loob ng mga ekswelahan sa Cavite noong June 16 at 19.
Nabatid na noong June 16 ay naiulat ang pananaksak ng isang Grade 8 student na nagresulta sa pagkakasugat ng 7 estudyante mula sa Grade 5.
At noong June 19 naman, tatlong araw lamang bago ang nasabing insidente ay naiulat ang pananaksak din ng isang senior high sa kanyang schoolmate.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing insidente na kinasasangkutan ng mga mag-aaral sa magkaibang eskwelahan ay tinatrato bilang isang isolated cases ,habang hinahantay ang resulta ng nagpapatuloy na imbestigasyon kasama na rin dito ang karapatan at privacy ng mga sangkot na menor de edad.
Dahil dito ,inatasan ni Nartatez ang lahat ng police units na paigtingin ang presensya ng mga ito at pagpapatrolya sa paligid ng mga eskwelahan.
Kasama na rito ang Regional Office CALABARZON at ng Cavite Police Provincial Office para matiyak ang striktong implementasyon ng mga nasabing hakbang.
Kaugnay nito, inatasan na rin ang pulisya na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nasabing insidente at ang pakikipagugnayan sa mga otoridad ng mga eskwelahan at lokal na pamahalaan sa pagiimplementa ng nararapat na preventive measures ,kasama na ang security assessment ,perimeter checks at pagpapalakas ng access control sa mga pasilidad ng eskwelahan.










