Sunday, May 3, 2026

DOH, nagbabala sa masamang epekto ng ashfall sa kalusugan; PCG, nagtalaga ng mga tauhan para sa paglikas ng mga residente

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa masamang epekto ng ashfall sa kalusugan ng tao.

Ito ay matapos magbuga kahapon ng makapal na usok ang Bulkang Mayon sa Albay matapos ang Pyroclastic Density Current event na nakaapekto sa maraming barangay sa lalawigan.

Ayon sa Department of Health (DOH), kabilang sa mainam na proteksiyon dito ang paggamit ng safety goggles, pagsusuot ng N95 face mask, at long sleeves at pantalon na matatakpan ang balat.

Sakali namang mangailangan ng emergency, maaari anilang tumawag sa hotline 911 o sa DOH Bicol sa numerong 09928110733.

Samantala, sinabi ng Philippine Coast Guard na nakaalerto ang Deployable Response Group ng Coast Guard District Bicol para i-deploy dahil sa akdibidad ng bulkang Mayon.

Ayon sa PCG, mahigit 124 na tauhan mula sa iba’t ibang unit ang nakaantabay para magsagawa ng agarang pagtugon kabilang ang paglikas at humanitarian assistance sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments