Sunday, May 3, 2026

Isinarang flyover sa Iloilo City, binuksan na ulit; 2 modernized na public market sa lungsod, modelo ng urban development

Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mas maagang natapos ang proyektong pagsasaayos ng Buhang Flyover sa Jaro, Iloilo City.

Ayon sa DPWH, mas maaga ito kumpara sa orihinal na target completion date sa May 15 matapos isara ang flyover nitong Enero dahil sa banta sa kaligtasan dulot ng mga nahuhulog na debris.

Alinsunod na rin daw ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin ang mabilis na pagsasaayos ng tulay para agad na magamit ng mga motorista at makatipid sa gasolina.

Samantala, matagumpay naman ang naging redevelopment ng Iloilo Central at Terminal Markets para ipakita ang imahe ng lungsod bilang pangunahing modelo ng urban development sa Pilipinas.

Sinabi ni dating SP Franklin Drilon na nagsisilbing patunay kung paano nababago ng maayos na public-private partnerships ang pampublikong imprastraktura at nakatutulong sa paglago ng ekonomiya.

Kamakailan nang ininspeksiyon ang dalawang pamilihan kasama si Iloilo City Mayor Raisa Treñas kung saan pinuri din ang mga pinagandang pamilihan sa pamamagitan ng maayos na pamamahala.

Facebook Comments