Tuesday, July 14, 2026

Posibleng kaso laban sa supplier ng kulang sa timbang na bigas sa Mandaluyong, pinag-aaralan

Pinag-aaralan na ang posibleng legal na aksyon laban sa supplier ng bigas na ginamit sa rice distribution na pinangunahan ni First Lady Liza Marcos sa Mandaluyong, matapos madiskubreng kulang ng dalawang kilo ang ilang sako ng bigas na ipinamahagi.

Ayon kay Cabinet Secretary Benhur Abalos, tapos na ang imbestigasyon na nagresulta sa pagba-blacklist sa hindi pinangalanang supplier.

Gayunman, sinabi ni Abalos na batay sa impormasyon mula sa Mandaluyong City government, sinusuri pa kung may sapat na batayan upang sampahan ng kaso ang supplier.

Dagdag pa niya, sa ngayon ay sa Mandaluyong pa lamang naitala ang ganitong insidente. Tiniyak naman ng Malacañang na pananagutin ang sinumang mapatutunayang responsable upang matiyak na buo at tama ang tulong na natatanggap ng mga benepisyaryo.

Facebook Comments