Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba sa kabila ng mga pag-ulang naranasan

Bumaba pa rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan kamakailan.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA Hydrology Division, nasa 192.44 meters ang water level ng Angat kaninang alas sais ng umaga, mas mababa ng 0.19 meters sa 192.63 meters kahapon.

Habang bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga dam ng Ipo, Ambuklao, San Roque, Magat at Caliraya.


Bahagyang nadagdagan naman ang water level sa Pantabangan dam habang hindi gumalaw ang lebel ng tubig sa La Mesa at Binga Dam.

Facebook Comments