
Cauayan City – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, namahagi ng iba’t-ibang vegetable seedlings sa mga Cauayeño.
Ito ay sa pangunguna ng City Agriculture Office, kasama ang Cauayan City GAD Focal Point System, at CDRRMO.
Naganap ang pamamahagi kahapon, ika-pito ng Marso sa City Agriculture Office, Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Nakatanggap ng libreng binhi at punla ang 65 Barangay Communal Gardens sa lungsod ng Cauayan, at ang sektor ng kababaihan, kabilang ang Cauayan City Green Ladies Organizations at Rural Improvement Clubs.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na isulong ang sustainable agriculture at gender empowerment.
Facebook Comments