DOH, nakapagtala lamang ng mahigit 200 bagong kaso ng COVID-19

42

Aabot lang sa 230 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Dahil dito, sumampa na sa 3,684,094 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa kung saan 15,782 ang aktibong kaso.

Umabot naman sa 3,608,194 ang mga gumaling sa COVID-19 habang nasa 60,118 ang mga nasawi.


Ang mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 1,137, Region 4-A na may 469 at Region 3 na may 316.

Ang total bed occupancy rate sa bansa ay nasa 16.7% kung saan 5,401 beds ang nagagamit at nasa 26,998 ang mga bakante.

Facebook Comments