Philippine National Track and Field team, humakot ng medalya sa 82nd Singapore Open Track and Field Championship

87

Humakot ng medalya ang Philippine National Track and Field team sa 82nd Singapore Open Track & Field Championships na ginanap sa Singapore.

Nakamit ng Filipino thrower na si John Albert Mantua ang personal best sa shot put na 17.33 meters para sa gold medal at nagtapos sa 49.57 meters sa Men’s Discus Throw para sa silver medal.

Sa kabuuan ay nasa 10 ginto, 13 pilak, at anim na tansong medalya ang nasungkit ng Philippine team sa naturang kompetisyon.


Itinanghal din na kampeon ang Philippine National Track and Field Team sa taunang torneo na bahagi ng pagbubuo sa koponan para sa nalalapit na 31st Sea Games sa Hanoi, Vietnam sa susunod na buwan.

Facebook Comments