
Kinilala nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang malaking ambag ng pribadong sektor sa pag-angat ng Pilipinas bilang upper middle income country.
Sa kanilang Joint Press Statement, sinabi ni Pangulong Marcos na ginawa ng kanyang administrasyon ang Pilipinas na mas bukas at mas kaakit-akit sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan sa nakalipas na apat na taon.
Ayon sa pangulo, mahalagang katuwang ng pamahalaan ang pribadong sektor sa pagpapalago ng ekonomiya.
Gayunman, sinabi niyang hindi pa tapos ang trabaho.
Aniya, magpapatuloy ang mga reporma at modernisasyon upang mas maraming trabaho, negosyo, at pamumuhunan ang pumasok sa bansa.
Sang-ayon naman si Carney na mahalaga ang pribadong sektor sa pagpapalago ng ekonomiya at pangmatagalang kaunlaran.










