
Hindi na muna pinahihintulutan simula ngayong araw ang paglalabas at paggastos ng public funds nang walang pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa Comelec ito ay bilang oaghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na isasagawa sa ikalawang araw ng Nobyembre.
Saklaw ng pagbabawal ang public works gaya ng construction at delivery ng mga materyales at bawal din ang pagkuha ng mga bagong empleyado gayundin ang paglikha o paglagay ng bagong posisyon sa gobyerno.
Mula September 28 hanggang October 21 naman iiral ang pagbabawal sa ang pangangampanya bago ang opisyal na campaign period.
Habang pormal na magsisimula ang election period sa October 3 hanggang November 9 kung saan ipatutupad ang gun ban at iba pang election restrictions.
Sabi ng poll body, tatakbo naman ang campaign period mula October 22 hanggang October 31.
Ipinaalala rin ng Comelec na magpapatupad ng liquor ban sa November 1 na bisperas ng halalan at bawal din ang pamimigay ng pagkain, inumin, libreng sakay at iba pa.










